Sunday, January 31, 2010

''KUMPISAL NI DUDAY''


KUMPISAL NI DUDAY
BY: ALDREN JAY B. GESTA

Nagsisimula na ang misa sa simbahan nang magising si Duday mula sa malakas na alingaw-ngaw ng kampana dahil sa pagkaka-iglip sa isang bangko mula sa plasa.Naalarma siya dahil madami ng tao ang nag-gagala at naglilibot sa nasabing pook.Pinunasan niya ng maduming panyo ang kanyang maaliwalas na mukha.Kinuha ang maliit na tinapay sa kanyang bag na kahapon ay dinanggit nya sa isang bakery at nagsimulang ngumuya ng paunti-unti.Pagkatapos noon ay nagsimula nang humakbang ang kanyang mga paa.Tutungo siya sa lugar kung saan man niya maisipan.Walang direksyon ang isip nyang pagod sa mga dating problema.
Habang nasa gilid ng kalsada,nag-iiwasan ang mga tao sa kanya.Parang may nakakahawang sakit na hindi na gagaling.Pilit nakikipag-siksikan si Duday sa masikip na daan,ngunit nahahawi ang daan kapag syaĆ½ darating.
Isa lamang si Duday sa bawat taong salamin ng ating lipunan.Lipunang kawawa,may baliw na sistema,at naghihirap.Sa bawat sugat ng ating bayan,milyong-milyong tao ang nagkakapeklat.Milyong milyong tao ang nagkakapasa.
Dinala si Duday ng kanyang mga paa sa simbahan.Balak nyang pumasok sa simbahan sa kabila ng kanyang itsura at pananamit.Madungis at mabaho.
Walang pumigil sa kanya sa pagpasok,dahil simbahan naman iyon at bahay ng Diyos.Ngunit eksaktong tapos na ang misang kaninay nagsisimula pa lamang.
''Humayo kayo at umuwi ng mapayapa''
Nagsi-labasan na ang mga tao at umalis ng simbahan.Si Duday ay nananatiling naglalakad tungo sa Pari.
Kusang lumapit ang pari kay Duday at tinanong ng marahan,''Anong kailangan mo?''
Tumugon si Duday at sinabing hihingi daw sya ng tawad sa Panginoon.Naiintindihan naman ng Pari ang sinabi ng babae at nagtungo sa lugar na pagdarausan.
Doon,inilahad ni Duday ang kanyang mga karanasan.

Si Dulce Dalisay. Kilala bilang Duday. Isang simpleng ina at asawa.

Ngunit sa isang trahedya,nasawi sa ang kanyang asawa at isang anak mula sa pagkakasagasa ng humaharurot na sasakyan.

Walang matakbuhan si Duday sa mga nangyari.

Napilitan na lamang siyang kitilin ang buhay ng tatlo pa nyang mga anak.Tinakasan nya ang munting bangungot na iyon at lumayo sa kanyang kinalakhan na lugar.Sa bangungot na iyon,nagising na siya ngunit pilit pa ring naaalala ang masasamang bagay na nagdaan.

Hindi maipinta ang itsura ng pari mula sa pakikinig.Nalimutan niya ang sunod na sasabihin pagkatapos mag-kumpisal ni Duday.
Sa puntong iyon,kusa ng lumabas si Duday.Lumuhod at tuluyang nanalangin.
Hindi niya mapigilan ang kanyang mga mata sa pagbuhos ng kanyang luha.Pagkatapos ng dramang iyon ay natauhan siya at nagpaalam sa Pari.

Alam nyang hanggat' hindi nya isinusuko sa lipunan ang kanyang sarili ay mananatiling makasalanan ang kanyang isipa't kaluluwa.Balak na nyang magtungo sa pulisya.

Sa kanyang paglalakad,pilit nag iiwasan ang mga tao.Parang may nakahahawang sakit na hindi gumagaling.Pilit nakikipag-siksikan si Duday sa masikip na daan,ngunit nahahawi ang daan kapag syaĆ½ darating.

Isang sasakyan ang biglang bumulusok at nahagip si Duday.Nagkalat ang mga dugo sa malawig na kalsada at nagsimulang natulala ang mga taong walang nagawa kundi tumunganga.
Matagal na pinagkaguluhan ang kawawang nilalang.Matagal na tinitagan ang kalunos-lunos nyyang hitsura.

Sa kabila ng lahat,sa huling sandali ng kanyang buhay,nagawa nyang pagsisihan ang kanyang mga kasalanan.

Thursday, January 28, 2010

"Trawl"


''Trawl''
By: Aldren Jay B. Gesta


Let us go back to the time,
When we were still affiliated
to the place of simplicity,
While visualizing the essence of life,
From the remnants of our anguish,
In our vivid hearts.

And though,the uttermost of our soul,
Vanished for a moment,
Like a dunce inveigh.
For his invalid act,despite of being impracticable,
But his own human being.

We are all slaves of our insides,
With no victory,for the comfort we offer,
Cause your the only witness,
In the greediness of the sympathy I gave.

'''PARA PO''


“PARA PO”
BY: Aldren Gesta


“Kadalasan,napag-iiwanan ako sa daan ng aking mga kasama,malayo na ang naabot ng kanilang mga paa,ngunit ako’y nananatili at hadya nang makaalis sa kinatatayuan.Ang hindi lang nila alam,milya-milya na ang nalipad at natawid ng isipan ko nang mga oras na iyon.”
Masayang sumakay sa dyipni tuwing hapon habang ang lahat ng tao ay kalmado at hindi nagmamadali sa paghabol sa oras.Panatag ang trapiko,walang gaanong maririnig na pito at busina mula sa mga sasakyan,hindi nag kakandarapa ang mga traffic lights sa nakahihilo at papalit palit na ilaw.Payapa at maaliwalas ang daloy ng ng mga sasakyan sa daan.
Tuwing labasan sa eskwela,nakagawian ko nang sumakay ng dyipni at maupo sa dulong bahagi nito malapit sa pintuan ng sasakyan.Masaya ang pakiramdam habang nakasandal sa bakal na hawakan ng dyipni.
Isang maulan na hapon ang sumalubong sa akin kanina.Mag aalas-singko na ngunit hindi pa rin ako nakakahanap ng dyipning masasakyan.Wala yatang drayber na nakapapansin sa akin sa patuloy kong pag-para.
Ngunit isang kulay puting dyipni ang boluntaryong tumigil sa harapan ko habang tumatango sa akin ang drayber na hindi ko makita ang itsura dahil nakatabon ang mahaba at kulot nyang buhok sa kanyang mukha. Agad naman akong naalarma mula sa pagkakatayo at nagtungo agad sa nakaabang na dyipni.Tiniklop ko ang aking payong at tuluyan ng naupo sa dulong bahagi nito.
Isa,Dalawa,Tatlo,Apat…! Apat lamang kaming nakasakay sa dyipni. Ako,isang lola,matabang babae,at ang drayber.Bago ko pa man makuha ang pitakang nakalagay sa maliit na bulsa ng aking bag,isang nagdadalang-taong babae ang sumakay sa dyip. Gaya ng ginawa sa akin,kusang lumapit ang dyip sa babae habang tumatango ang drayber.Nagtaka ako dahil humahagulhol ang buntis bago ito sumakay at naupo sa gitna ng dyip.Kataka-taka din dahil may tumutulong sariwang dugo sa kanyang binti. Magulo…Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari.
Patuloy pa rin sa pag-arangkada ang dyip na aking sinasakyan.Patuloy rin ang ulan na lalo pang lumalakas.Parang mabibiyak na ang langit sa sobrang lakas ng mga nagngangalit na kulog at kidlat. Naging mabagal ang daloy ng trapiko,patuloy rin sa pagdami ang mga pasahero na kanina’y tatlo lang.Ngayo’y walo na at bahagya ng makaibo ang bawat isa sa amin.Ini-abot ko ang anim na pisong bayad sa pamasahe,ngunit parang ni-isa sa mga taong laman ng dyipni ay walang nakararamdam sa akin.Naisipan kong huwag na lang magbayad tutal ay hindi naman nila ako pinapansin.
Patuloy-tuloy ngunit marahan ang andar ng dyipni.
Takbo…Takbo…Takbo…Marahan. Nabalot sa katahimikan ang loob ng sasakyan.Kahit pumatak man ay isang munting karayom,ay mababasag ang katahimikang iyon at maglilikha ng malakas na ingay.
Sa puntong iyon,saglit na tumigil ang dyipni.Umalingaw-ngaw ang malakas na busina kasabay ng mumunting hiyaw.Puro usok na kulay puti ang sumalubong sa amin.Napuno ang kawalan ng mga mumunting hamog mula sa itaas.Nakasisilaw ang malakas na liwanag na tumapat mismo sa kinatitirikan ng dyipni.Agad akong napapikit at nagtaklob ng panyong bigay ng isang kaibigan.
Sa liwanag na iyon,natanaw kong naghihintay ang mga mahal ko sa buhay.Nakumpleto silang lahat kahit na ang iba’y dating magkakagalit. Doon na simulang tumulo ang luha ko mula sa pagal kong mga mata.
Mula sa pagkakaupo’y pinilit kong bumaba ng sasakyan.Ngunit hindi ko maigalaw ang aking mga binti,hindi ko mai-hiyaw ang gusto kong sabihin.Nagulat ako. Hindi ko malaman ang aking gagawin. Ang drayber na kaninay hindi ko maaninag ang mukha , ay biglang lumingon at nahawi ang mahaba’t kulot nyang buhok sa kanyang mukha. Hindi pa rin ako makapaniwala..
Dahil sa unahan ng dyipning puti….DIYOS ang syang nagmamaneho.