Thursday, February 18, 2010
ANAK NG JUETENG!!
ANAK NG JUETENG!!
BY: ALDREN JAY B. GESTA
Tik-tak. Tik-tak. Tik-tak. Tik-tak. Tik-tak. Tik-tak.
Malakas ngunit marahan ang tunog ng orasan na nagsilbing tilaok ng pamilya ni Aling Selya upang gisingin ang kanilang kaluluwa sa naghihintay na umaga.
Mahamog at madilim pa sa labas ngunit tinahak na nya ang mahabang kalsada nang hindi man lamang humihigop ng mainit na kape.Walang naka-ambang panganib sa daan at kampante ang buong lugar.Tutungo na naman siya sa iba't-ibang bahay dala ang maliit na piraso ng papel at paubos ng tinta na bolpen.
Mabilis na umarangkada ang oras at ilang minuto pa'y nagsimula nang halikan ng araw ang mga ulap sa langit,tila nagsasabi ng "magandang umaga,bangon na!" sa bawat sinag at liwanag na kumakalat sa kawalan.Sa puntong iyon,nakahanda na naman ang pitaka ni Aling Selya upang lagyan ng sandamakmak na barya at piraso ng mga papel na may iba't-ibang numero.Swerteng numero...Na may nakapaloob na malaking halaga.
Mga ilang oras pa'y nagsi-umpukan na naman ang mga tao sa labasan.Naghihintay kung pinalad ba sila ngayong araw na ito at may panghanda na sa nalalapit na pasko.Ang iba nama'y panay ang kwentuhan at asaran na kapag tumama sa Jueteng ay mambabalato.
Biglang umalingaw-ngaw ang tinig ng isang pawisan na lalaki.
"ANAK NG JUETENG NAMAN OH!" sigaw ng mananaya.
Bigo at malas na naman kasi siya sa araw na iyon.Nasayang lang ang singkwenta pesos na ginugol nya sa nakakahilo at paulit-ulit na numerong kanyang inalagaan simula pa tatlong taon na ang nakararaan....
Duling na rin si Aling Selya sa pagpapataya ngunit wala namang patama.
Paulit-ulit ang sumunod na mga senaryo.Pagal na ang kaluluwa ni Aling Selya sa walang tigil na ikot ng kanyang gulong.Ang dating mataba at maputing ale,ngayo'y payat na at nangingintab pa sa itim.Ilang araw na lang bago ang pasko,nag-aalala siya kung anong aginaldo ang ibibigay niya sa kanyang bunso at binatilyo.
Pihadong magtatampo ang dalawa na datiĆ½ sanay na sa papasko.
"MERRRRYYY CHRIIISTMAAAS AND A HAAAPPPYY NEW YEEEAR!!!!!"
Kanta ng isang bata na ma'y tumutulo pang kulay berde sa ilong.Umaasang mapagkakalooban ng kaunting barya.
"TAAAAAAAAWWWWAAAAAAAAAAAAAAAADDDDDDD!!!!!!"
Tugon ng bunso ni Aling Selya.Paano nga ba mabibigyan ang isang tao kung ikaw sa sarili mo'y hindi mo mabigyan??
Lumipas ang malamig na pasko.Kasabay nito'y pagka-bwisit sa mukha ng mga anak ni Aling Selya.Doon,nagsimula ang bwisit na kwentuhan.Bwisit na turingan at bwisit na buhay.
Pak. Pak. Pak.
Magulo..Dinig na dinig ang yapak ng mga tao sa malubak na daanan.Ang iba'y nagtatakbuhan pa na parang may lindol na parating.
Nagkagulo sa labas ng barong-barong nina Aling Selya ng mabalitaan ng kanyang mga kapitbahay na may sakit ang kanyang asawa.
"ANU?BALITA NAMIN MAY TB RAW YANG SI BERTING MO!! NAKU!! WAG MO NANG MAPALAPIT LAPIT YANG ANAK KO DYAN SA ANAK MO AT SIGURADONG NAGKAHAWAAN NA KAYO NG SAKIT!!" wika ng isang tsismosa na diring-diri sa kalunos-lunos na kalagayan ng mag-anak.
"NAY,ANO PO YUNG TB? YUN PO BA YUNG NAPAPANUODAN NATIN NG 'MAY BUKAS PA'?? NAKU,BUTI PA SILA MERON NA NUN,TAYO NAKIKINUOD LANG KINA TIYA CHARING!!!!!!!!" sabi ng anak ng tsismosa,tuwang tuwa ang bata na parang nanalo sa lotto.
"TANGA!!!!! SAKIT YUN GAGO! UMUWI KA NA NGA AT KUMAIN KA NA LANG DUN!" galit at may kasama pang siring ang balyenang tsismosa.
Nananatiling sara ang bibig ni Aling Selya sa iba't-ibang batikos.Ang kanyang mga kaibigan at mananaya ay biglang naglaho na parang bula.Unti-unting gumuhit sa kanyang isipan ang sakit ng pakiramdam kapag lahat ay lumalayo.Kahit na nalimutan na nya kung ano ang pakiramdam ng maagang pagka-ulila sa mga magulang ay pilit pa rin syang nagninilay kung bakit ramdam pa nya ang hapdi sa kanyang puso.
Puro problema ang sumalubong sa kanya.Dagdag pa dito ang nakabuntis nyang binatilyo sa edad na kinse.Wala na syang maasahan pa. Parang na-pipi na yata siya sa sobrang dami ng salot na tumama sa kanyang pamilya.Nananatiling sara ang kanyang tenga sa mga batikos.Nananatili ring walang kibo ang katawan niyang puno ng guhit at kulubot likha ng nakaraan.
........
........
........
Ginulantang ng karma-rimarim na eksena ang tahimik na kalye.Nakakapag-pabagabag ang munti at isang iglap na bangungot.
"ANAAAAAAAAAK KOOOOOOO!!!!!!"palakat ni Aling Selya.Tumutulo ang dugo,pawis at luha sa kanyang katawan.Pilit ginigising ang kanyang bunso sa bangungot na lulon ng rumaragasang trak.
Matagal na pinagkatitigan ng taong bayan si 'MARIA' at si 'HESUS' na parang sa PIETA ang dating. Akala ng iba'y may shooting lang ng pelikula....At doo'y bida si Aling Selya at ang bunso nito.
Matagal.. Matagal bago isinakay sa kotseng di-wangwang ang naghihingalong bata.Na patay na pala bago pa madala sa pampublikong pagamutan.
Doon,naglag-lagan ang mumunting barya sa pitaka ni Aling Selya.. Baryang sana'y mapagsisimulan nya ng panibagong buhay...........Buhay na sinimulan
ng walang kwenta at matatapos ng walang kwenta..
Sa bawat patak ng luhang kanyang itinutugon binibilang nya ang bawat segundo kasabay ng pintig sa kanyang pulso.Doo'y humaharurot ang isang kotse papalapit sa kanyang kinatatayuan.Mabilis ang mga pangyayari,mabilis.........Hindi..Sobrang bilis ng mga pangyayari.Humandusay ang kawawang nilalang,pilit na ginigising ang kaluluwang hindi naman tulog....
Tik-tak. Tik-tak. Tik-tak. Tik-tak. Tik-tak. Tik-tak.
Malakas ngunit marahan ang tunog ng orasan.............
Subscribe to:
Posts (Atom)