Sunday, January 31, 2010
''KUMPISAL NI DUDAY''
KUMPISAL NI DUDAY
BY: ALDREN JAY B. GESTA
Nagsisimula na ang misa sa simbahan nang magising si Duday mula sa malakas na alingaw-ngaw ng kampana dahil sa pagkaka-iglip sa isang bangko mula sa plasa.Naalarma siya dahil madami ng tao ang nag-gagala at naglilibot sa nasabing pook.Pinunasan niya ng maduming panyo ang kanyang maaliwalas na mukha.Kinuha ang maliit na tinapay sa kanyang bag na kahapon ay dinanggit nya sa isang bakery at nagsimulang ngumuya ng paunti-unti.Pagkatapos noon ay nagsimula nang humakbang ang kanyang mga paa.Tutungo siya sa lugar kung saan man niya maisipan.Walang direksyon ang isip nyang pagod sa mga dating problema.
Habang nasa gilid ng kalsada,nag-iiwasan ang mga tao sa kanya.Parang may nakakahawang sakit na hindi na gagaling.Pilit nakikipag-siksikan si Duday sa masikip na daan,ngunit nahahawi ang daan kapag syaĆ½ darating.
Isa lamang si Duday sa bawat taong salamin ng ating lipunan.Lipunang kawawa,may baliw na sistema,at naghihirap.Sa bawat sugat ng ating bayan,milyong-milyong tao ang nagkakapeklat.Milyong milyong tao ang nagkakapasa.
Dinala si Duday ng kanyang mga paa sa simbahan.Balak nyang pumasok sa simbahan sa kabila ng kanyang itsura at pananamit.Madungis at mabaho.
Walang pumigil sa kanya sa pagpasok,dahil simbahan naman iyon at bahay ng Diyos.Ngunit eksaktong tapos na ang misang kaninay nagsisimula pa lamang.
''Humayo kayo at umuwi ng mapayapa''
Nagsi-labasan na ang mga tao at umalis ng simbahan.Si Duday ay nananatiling naglalakad tungo sa Pari.
Kusang lumapit ang pari kay Duday at tinanong ng marahan,''Anong kailangan mo?''
Tumugon si Duday at sinabing hihingi daw sya ng tawad sa Panginoon.Naiintindihan naman ng Pari ang sinabi ng babae at nagtungo sa lugar na pagdarausan.
Doon,inilahad ni Duday ang kanyang mga karanasan.
Si Dulce Dalisay. Kilala bilang Duday. Isang simpleng ina at asawa.
Ngunit sa isang trahedya,nasawi sa ang kanyang asawa at isang anak mula sa pagkakasagasa ng humaharurot na sasakyan.
Walang matakbuhan si Duday sa mga nangyari.
Napilitan na lamang siyang kitilin ang buhay ng tatlo pa nyang mga anak.Tinakasan nya ang munting bangungot na iyon at lumayo sa kanyang kinalakhan na lugar.Sa bangungot na iyon,nagising na siya ngunit pilit pa ring naaalala ang masasamang bagay na nagdaan.
Hindi maipinta ang itsura ng pari mula sa pakikinig.Nalimutan niya ang sunod na sasabihin pagkatapos mag-kumpisal ni Duday.
Sa puntong iyon,kusa ng lumabas si Duday.Lumuhod at tuluyang nanalangin.
Hindi niya mapigilan ang kanyang mga mata sa pagbuhos ng kanyang luha.Pagkatapos ng dramang iyon ay natauhan siya at nagpaalam sa Pari.
Alam nyang hanggat' hindi nya isinusuko sa lipunan ang kanyang sarili ay mananatiling makasalanan ang kanyang isipa't kaluluwa.Balak na nyang magtungo sa pulisya.
Sa kanyang paglalakad,pilit nag iiwasan ang mga tao.Parang may nakahahawang sakit na hindi gumagaling.Pilit nakikipag-siksikan si Duday sa masikip na daan,ngunit nahahawi ang daan kapag syaĆ½ darating.
Isang sasakyan ang biglang bumulusok at nahagip si Duday.Nagkalat ang mga dugo sa malawig na kalsada at nagsimulang natulala ang mga taong walang nagawa kundi tumunganga.
Matagal na pinagkaguluhan ang kawawang nilalang.Matagal na tinitagan ang kalunos-lunos nyyang hitsura.
Sa kabila ng lahat,sa huling sandali ng kanyang buhay,nagawa nyang pagsisihan ang kanyang mga kasalanan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment