Thursday, January 28, 2010
'''PARA PO''
“PARA PO”
BY: Aldren Gesta
“Kadalasan,napag-iiwanan ako sa daan ng aking mga kasama,malayo na ang naabot ng kanilang mga paa,ngunit ako’y nananatili at hadya nang makaalis sa kinatatayuan.Ang hindi lang nila alam,milya-milya na ang nalipad at natawid ng isipan ko nang mga oras na iyon.”
Masayang sumakay sa dyipni tuwing hapon habang ang lahat ng tao ay kalmado at hindi nagmamadali sa paghabol sa oras.Panatag ang trapiko,walang gaanong maririnig na pito at busina mula sa mga sasakyan,hindi nag kakandarapa ang mga traffic lights sa nakahihilo at papalit palit na ilaw.Payapa at maaliwalas ang daloy ng ng mga sasakyan sa daan.
Tuwing labasan sa eskwela,nakagawian ko nang sumakay ng dyipni at maupo sa dulong bahagi nito malapit sa pintuan ng sasakyan.Masaya ang pakiramdam habang nakasandal sa bakal na hawakan ng dyipni.
Isang maulan na hapon ang sumalubong sa akin kanina.Mag aalas-singko na ngunit hindi pa rin ako nakakahanap ng dyipning masasakyan.Wala yatang drayber na nakapapansin sa akin sa patuloy kong pag-para.
Ngunit isang kulay puting dyipni ang boluntaryong tumigil sa harapan ko habang tumatango sa akin ang drayber na hindi ko makita ang itsura dahil nakatabon ang mahaba at kulot nyang buhok sa kanyang mukha. Agad naman akong naalarma mula sa pagkakatayo at nagtungo agad sa nakaabang na dyipni.Tiniklop ko ang aking payong at tuluyan ng naupo sa dulong bahagi nito.
Isa,Dalawa,Tatlo,Apat…! Apat lamang kaming nakasakay sa dyipni. Ako,isang lola,matabang babae,at ang drayber.Bago ko pa man makuha ang pitakang nakalagay sa maliit na bulsa ng aking bag,isang nagdadalang-taong babae ang sumakay sa dyip. Gaya ng ginawa sa akin,kusang lumapit ang dyip sa babae habang tumatango ang drayber.Nagtaka ako dahil humahagulhol ang buntis bago ito sumakay at naupo sa gitna ng dyip.Kataka-taka din dahil may tumutulong sariwang dugo sa kanyang binti. Magulo…Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari.
Patuloy pa rin sa pag-arangkada ang dyip na aking sinasakyan.Patuloy rin ang ulan na lalo pang lumalakas.Parang mabibiyak na ang langit sa sobrang lakas ng mga nagngangalit na kulog at kidlat. Naging mabagal ang daloy ng trapiko,patuloy rin sa pagdami ang mga pasahero na kanina’y tatlo lang.Ngayo’y walo na at bahagya ng makaibo ang bawat isa sa amin.Ini-abot ko ang anim na pisong bayad sa pamasahe,ngunit parang ni-isa sa mga taong laman ng dyipni ay walang nakararamdam sa akin.Naisipan kong huwag na lang magbayad tutal ay hindi naman nila ako pinapansin.
Patuloy-tuloy ngunit marahan ang andar ng dyipni.
Takbo…Takbo…Takbo…Marahan. Nabalot sa katahimikan ang loob ng sasakyan.Kahit pumatak man ay isang munting karayom,ay mababasag ang katahimikang iyon at maglilikha ng malakas na ingay.
Sa puntong iyon,saglit na tumigil ang dyipni.Umalingaw-ngaw ang malakas na busina kasabay ng mumunting hiyaw.Puro usok na kulay puti ang sumalubong sa amin.Napuno ang kawalan ng mga mumunting hamog mula sa itaas.Nakasisilaw ang malakas na liwanag na tumapat mismo sa kinatitirikan ng dyipni.Agad akong napapikit at nagtaklob ng panyong bigay ng isang kaibigan.
Sa liwanag na iyon,natanaw kong naghihintay ang mga mahal ko sa buhay.Nakumpleto silang lahat kahit na ang iba’y dating magkakagalit. Doon na simulang tumulo ang luha ko mula sa pagal kong mga mata.
Mula sa pagkakaupo’y pinilit kong bumaba ng sasakyan.Ngunit hindi ko maigalaw ang aking mga binti,hindi ko mai-hiyaw ang gusto kong sabihin.Nagulat ako. Hindi ko malaman ang aking gagawin. Ang drayber na kaninay hindi ko maaninag ang mukha , ay biglang lumingon at nahawi ang mahaba’t kulot nyang buhok sa kanyang mukha. Hindi pa rin ako makapaniwala..
Dahil sa unahan ng dyipning puti….DIYOS ang syang nagmamaneho.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ang pangit putang ina
ReplyDeletelove it
ReplyDelete